January 11, 2011
Dear Ate Vicky,
Ako po ay si Almiera Sultan, 20 years old, tubong Dalumangcob, Cotabato, Mindanao, at ngayon ay pansamantang nakatira dito sa Taguig City. Ako po ay nagiisang supling nila Abson Sultan at Fatty Lumabao.
Noong 5 taong gulang pa lamang po ako, sa hindi ko po inaasan at ayaw ko po sanang mangyari, naghiwalay po ang aking mga magulang. Iniwan po ako ng nanay ko, at hanggang ngayon, hindi ko po alam kung nasaan siya. Sa panahong iyon, may narinig po akong sinasabi na bago po umalis ang nanay ko sa lugar namin, isinangla daw po ako. Pero, noong nag-aaral na ako ng elementarya, nasa kamay po naman ako ng tatay ko. Sa madaling sabi po, nakatapos po ako ng high school sa public school (Sultan Kudarat National Highschool) bilang scholar, dahil nakapasa po ako sa scholarship exam.
Dahil po sa kasalatan ng buhay at hindi na nila ako mapaaral, naudyok na po ako ng tatay at tiya ko na mangibang bansa na lamang, kaya taong 2010, buwan ng Pebrero, at sa edad na 19 ako’y napunta sa Damam, Saudi Arabia. Noong dumating na po ako sa Saudi, at nakita ko yong mga sumalubong sa akin na amo ko, siempre kinakabahan po ako dahil sa malalaking mga katawan nila. Maliban doon, natatakot po ako baka hindi ko makayanan ang trabaho bilang DH dahil wala po akong alam sa mga gawaing bahay. Bata pa po ako at tatay ko pa nga po ang naglalaba ng mga damit ko habang ako’y nag-aaral. Sa umpisa mababait po sila pero hindi naglaon lumabas na po ang tunay nilang mga ugali. It is a public knowledge na po kung anong klaseng asal meron sila. Ang trato nila sa mga DH ay alipin talaga at walang karapatan whatsoever. Marahas at makasarili, walang awa, kahit maubusan na ako ng lakas na magtrabaho, utos pa rin sila ng utos. Minamadali ang gawain, at kung hindi ko magawa yon, dahil sa pagod, sinasapak nila ako at sinisigawan ng masasakit na salita i.e., aso daw ako. Pinagtangkaan pa nga akong gahasain ng amo kong matanda. Nagka trauma po ako sa nangyari sa akin sa mga kamay ng amo ko. At hindi lang po yon, pinapatrabaho rin po nila ako bilang kasambahay sa 3 niyang mga anak sa kani-kanilang pamilya. Kibali, apat na pamilya na ang pinaglilingkuran ko. Sino po kaya ang tatagal doon?
Dahil doon, hindi ko na po talaga nakayanan dahil bumigay na ang lakas ko, kung kaya, Septiemre 2010, parang nabuhayan ako ng loob dahil nakauwi ako ng Pilipinas na buhay.
Ngayon po, dahil very much eager ko po talagang makapag-aral sa kolehio para naman matulungan ko ang aking sarili at siempre ang mga mahal ko sa buhay, humihingi po ako ng tulong sa GMA Kapuso Foundation. I feel very much frustrated and desperate and I keep asking myself, what will my future be in the hands of my destitute parents and relatives? As if I am facing a blank wall in my situation at present. My cousin here in Taguig, instead of encouraging and building me up, she pushes me down and down, telling me that I am insane. I am so much humiliated and ask God, whom can I turn to? In the same way, my father forces me to go home to our poor place and wants me to marry just so he can get a meager dowry. I really hate that idea because that is very impractical and unlogical to me. I want to have a better tomorrow.
Madam Mel, I hope and pray that this plea of mine will merit your very kind consideration. Rest assured, I will ever be grateful to you and to the Kapuso Foundation for whatever help that you will extend to this humble writer.
God bless you more than ever before, and more power to GMA Kapuso!
TEXT NYO NA LANG PO... AKO SA INFO. 0927-305-33-28
Report (0) (0) |
earlier