Question:

Pahingi nga ng kopya ng pilipino isang depinisyon ni ponciano pineda?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

6 ANSWERS


  1. can you please translate that in english.  thank you...


  2. wala po ba kayong buong kopya ng pilipino isang depinisyon......kasi muka yatang puro yung buod ang nakikita ko eh....salamat po....

  3. pahingi nga po ng kompletong kopya ng pilipino:isang depinisyon ni ponciano pineda...
    kung pwede sana ay p**i send na din sa eadd na to rutharlingomez@yahoo.com... maraming salamaT

  4. para sa aming sabayang pagbigkas patimpalak

  5. kala ko may "ano ka,ano cya,ano ko,ano tau pa sa unahan nun?"

    TY po sa kopya...


    yeah!!! bukas na ang sabayang pagbigkas namin!! patay ako sa tister ko!! wahahahahaha!! PAKkKK!!

  6. Sabi nila’y Pilipino
    Ugat natin ay silangan
    Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay
    Galing doon sa malayo sa matandang kalupaan
    Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran
    2
    Naibigan itong pulo kaya’y dito nangagkuta
    Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana
    May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala
    May samahan at ibigan, maayos at payapa
    May sariling wika
    Tayo raw ito
    Sa ante-panahon ng kolonyalismo
    3
    Walang abog
    Mula sa kanluran ang dayo’y sumapit
    Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
    Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
    Barangay ay binuwag
    Mga tala ay sinunog
    Abakada’y binawal
    Ipinasiyang mga mangmang
    Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
    At naging alipin ang bayan kong irog
    Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog
    Ito tayo
    Pilipino
    4
    At sa halip, at sa halip
    Pinalitang lahat-lahat
    Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura
    Kinastila itong dila
    Itong puso’y kinastila
    5
    Edukasyon ay hulog ng langit
    Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat
    Kastilalo’y ang panturo, kastilalo’y ang balangkas
    Kaya’t ako’y nagkastila
    Sa kaluluwa at sa balat
    Pinagtilad-tilad – ikaw, ako’t siya
    Sa adhika’y paghatiin – divide et impera
    At yumabong
    Ilukano’y ilukano
    Kapampanga’y kapampangan
    Bikulano’y bikulano
    Pangasina’y pangasinan
    Ang Cebuano’y Cebuano
    Iyang Waray laging waray
    Ang Ilongo ay ilongo
    Mga Muslim laging muslim
    Ang Tagalog ay tagalong
    Kanya-kanya tayu-tayo
    Masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu
    Huwag lamang tayo
    Huwag lamang ako
    Pagkat tayo’y ito
    Mga Pilipino
    6
    Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik
    Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib
    Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas
    Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad
    7
    Kaya’t laya’y itinindig sa kislap ng mga tabak
    At sa Kawit nagwagayway ang maningning na sagisag
    Dapwa’t sasansaglit
    Pagsasarili ay inagaw ng malakas
    Dinagit ang dambuhalang diumano’y bagong mesiyas
    Diumano’y naparito upang noon ay iligtas
    Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak
    Ng gobyerno at ng laying para lamang sa di uslak
    8
    Di ngayon nga
    Awtoridad ay naiba
    Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema
    Ngunit ‘yon din: ang dayuha’y panginoon
    Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod
    Walang tutol
    9
    Edukasyon popular: kinano ang sistema
    Umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong
    Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin
    Naging kano sa kaisipan, naging kano sa pagsulong
    Sadyang gayon ang katwiran
    Masterin mo iyang wika’t
    Ang Kultura niyang wika’y ikaw iyang mamasterin
    Ang nangyari: ang produkto
    Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo,
    10
    Di gradwadong makabansa, hinding hindi Pilipino
    Divide at impera
    Ilukano’y ilukano
    Kapampanga’y kapampangan
    Bikulano’y bikulano
    Pangasina’y pangasinan
    Ang Cebuano’y Cebuano
    Iyang Waray laging waray
    Ang Ilongo ay ilongo
    Mga Muslim laging muslim
    Ang Tagalog ay tagalong
    Kundi rin lang itong akin
    Mabuti pang sa dayo
    Ito tayo
    Pilipino
    Isang lahing makaako, tayu-tayo
    11
    At nagdilim
    At kumulog at kumidlat at lumindol
    At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos
    Ang sanlahi’y nagliliyab nalulunod
    Nagliliyab nalulunod
    12
    Ay, salamat sa karimlan
    Ay, salamat sa magdamag
    At sumikat ang liwayway ng maningning na liwanag
    Isang phoenix ang nabangon sa abo ng lumipas
    Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad
    Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo
    Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago
    Tenancy, ekonomiya, sosyeda, gobyerno
    Edukasyo’y nakaangkop sa lahat ng kailangan
    Nang sa gayo’y bumalikwas ang duhagi nating bagay
    13
    Pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo
    Bilang tanda ng luwalhati ng kahapong sinisiphayo
    Isang bansang hindi dayo
    Isang lahi’t bansang
    Pilipinong-pilipino
    Kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod
    Sa biyaya ng magandang katubusan
    Sambandila’t isang awit, isang wikang hindi hiram
    Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan
    14
    At pag ito’y natupad na
    At pag ito’y naganap na
    Masasabing taas noo
    Ikaw, siya saka ako’y
    Mga bagong Pilipino

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 6 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.