Question:

Halimbawa ng pormal at di-pomal?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

4 ANSWERS


  1. whatever!


  2. Pormal
    MAYO 31 - "WORLD NO-TOBACCO DAY'
    Mahigit sa apat na dekada na ang nakararaan, nang nagaluntang ang mundo sa isang balitang pang mediko sa posibleng panganib sa kalusugan ng tabako. Mula noon, napatunayan na ang tabako ay isang panganib na may kinalaman sa may 25 na sakit kabilang na ang kanser, sakit sa puso, atake, at peptic ulcer.
    Walang alinlangan na alam na natin ngayon na ang paggamit ng tabako ay naging dahilan - at patuloy na nagiging dahilan - ng kamatayan at sakit sa malawakang antas. Sa mga papaunlad na bansa lamang, ang mapanganib na mga epekto ng tabako ay dahilan ng kamatayan ng hindi kukulangin sa 60 milyong tao bawat taon. Kung magpapatuloy ito sa 2020, ang bilang ng kamatayang ito ay aabot sa 10 milyon bawat taon. Karamihan sa mga kamatayang ito ay nagaganap sa mga papaunlad na bansa na ang 48 bahagdan ng kalalakihan at 7 bahagdan ng kababaihan ay naninigarilyo.
    Ang paggamit ng tabako ay nakarating na sa nakatatakot na proporsyon at walang sinumang tao, organisasyon o gobyerno ang makapipigil sa panganib na ito nang nag-iisa. Alam ang bagay na ito ng World Health Organization (WHO), ilang taon na ang nakalipas ng idineklara ang Mayo 31 ng bawat taon bilang World No-Tobacco Day. Ito ang paraan ng WHO sa panawagan ng lahat ng kasaping bansa na himukin ang mga gumagamit ng tabako na sa isang araw man lamang ay huwag manigarilyo o yumigil na para sa kanyang kabutihan.
    "Itigil na paninigarilyo simula ngayon".Iyan ang layunin ng World No-Tobacco Day.
    (mula sa Balita, Mayo 1997).

    Di-Pormal
    Ikaw…..Lamok
    Ni Nelly V. Magabulo
    Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang huliin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga uli ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang huliin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip nang nag-isip.
    Maya-maya uli, bumagon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong hindi nakatulog.
    Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.
    Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ko.
    Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.
    Ganon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.
    Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang iyon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin.
    Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay nang hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?
    A, hindi bale na lamang. Kahit magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Itinuturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.
    Maraming salamat, Kaibigang Lamok.

  3. jhanrich

  4. halimbawa ng di pormal na sanaysay

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 4 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.