Question:

Ano ano ang kaukulan ng pangngalan?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. kuakilunghddddghkjnybtdrfgbb=vcsdfghjmnbftdrdrdrgghujijijugtdrdrdtftfygyhuhuihugtftrftfgh


  2. KAUKULAN NG PANGNGALAN
    PALAGYO = kung ang pangngalan ay ginagamit na Simuno, Pantawag, Kaganapang Pansimuno, Pangngalang Pamuno
    Halimbawa: Ang panahon ngayon ay pabagu-bago.
    Ama at Ina, salamat po sa pagpapa-aral sa amin.
    Si Gng. Andres ay mabuting guro.
    Si Bantay, ang aking aso, ay marunong magbukas ng aming pinto.

    PALAYON = kung ang pangngalan ay ginagamit na Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol.
    Halimbawa: Magdadala ako ng ulam bukas.
    Ang pagsisikap ni Gemmo ay para sa kanyang mga magulang.

    PAARI= may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawang ay nagsasaad ng    pagmamay-ari.
    Halimbawa: Ang pagpapatawad ni ama ang sanhi ng aking pagbabago.
    Anak ni Reynaldo si Romel.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.