Question:

Ano ang idyoma at mga halimbawa nito?

by  |  earlier

1 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

11 ANSWERS


  1.  Ang gulo nyo//Ang idyoma o matalinghagang salita ay makulay na pahayag.Nakatago at hindi tuwirang inilalahad ang kahulugan o ibig sabihin ng mga pahayag kaya't sinasabing malalim ang kahulugan nito.


    Halimbawa:


    balat-sibuyas - sensitibo


    di makabasag-pinggan - mahiyain


    hinog sa pilit - minadali


    kapit-tuko - mahigpit ang kapit


    ilista sa tubig - kalimutan na


    magdilang anghel - magkatotoo ang sinabi


    naglulubid ng buhangin - nagsisinungaling


    pag-iisang dibdib - pagpapakasal


    sakit sa ulo - malaking suliranin


    sirang-plaka - paulit-ulit nang sinasabi


    basang-sisiw - di maayos ang itsura


    kumukulo ang dugo - galit na galit


    makati ang dila - madaldal;tsismosa


    makunat - madamot


    may paruparo sa sikmura - kinakabahan


    nagsusunog ng kilay - nagsisikap


    nahihiga sa salapi - mayaman


    pabalat-bunga - kunwari lamang


    tiklop ang tuhod - buong pagpapakumbaba


    dinoktor - binago sa pamamagitan ng pandaraya


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


     


  2. bakit pabalik-balik ung iba? tpos wla pa yong ibang hnahnap cu.


    2lad ng na2ka ng ahas, lawit ang pusod, litaw na tao tsaka pakainin sa palad.


    hhmm, nakapagta2ka. well, tnx nlang sa answers niu. :)


  3. marami ang nangangaylangan,,, isa nku don!!! hehehee


    project niu rin??? haixt!!! pareho tayo!!! hahaha


  4. Ang idyoma po ay mga salita na gingamit sa pagbibigay ng deskripsyon sa isang bagay o tao sa paraang masining at hindi direktang pagpapahayag.

    Ang mga halimbawa po nito ay:

    anak pawis, isang kahig isang tuka, pinabayaan sa kusina, mahaba ang dila, taingang kawali, malaki ang tainga, isip butiki, bayong walang laman



    --------------------------------------------------------------------------------

    Idyoma - Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.



    --------------------------------------------------------------------------------

    Mga halimbawa ng Idyoma:

    1. Anak-dalita - mahirap

    2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang

    3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran

    4. Bungang-tulog - panaginip

    5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal

    6. Mahapdi ang bituka - nagugutom

    7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao

    8. Makapal ang bulsa - maraming pera

    9. Butas ang bulsa - walang pera

    10. Kusang palo - sariling sipag

    11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit

    12. Kidlat sa bilis - napakbilis

    13. di makabasag pinggan - mahinhin

    14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman

    15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho

    16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan

    17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga

    19. naniningalang-pugad - nanliligaw

    20. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan

    21. makapal ang mukha - di marunong mahiya

    22. maaliwalas ang mukha - masayahin

    23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado

    24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap

    25. panis ang laway -- taong di-palakibo

    26. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw

    27. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal

    28. putok sa buho -- anak sa labas

    29. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad

    30. pantay ang mga paa -- patay na

    31. nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao

    32. saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho

    33. sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira

    34. samaing palad -- malas na tao

    35. sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi

    36. takaw-tulog -- mahilig matulog

    37. takipsilim -- paglubog ng araw

    38. talusaling -- manipis ang balat

    39. talusira -- madaling magbago

    40. tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit

    41. maputi ang tainga - kuripot

    42. nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan

    43. taingang kawali -- nagbibingi-bingihan

    44. matalas ang ulo - matalino

    45. mahangin ang ulo - mayabang

    46. malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon

    47. mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon

    48. lumaki ang ulo - yumabang

    49. matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos

    50. basag-ulo -- gulo, away

    51. may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa

    52. utak-biya -- bobo, mahina ang ulo

    53. matalas ang utak -- matalino

  5. ano yun

  6. my gnun yabang

  7. kea nga eh..nkakabwisit ilbes n mka 2long ng nangtritrip pa
    idyoma-mga pananalitang nag papahayag ng talinhaga

    gus2 nyu examples e2 o

    1. Anak-dalita - mahirap

    2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang

    3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran

    4. Bungang-tulog - panaginip

    5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal

    6. Mahapdi ang bituka - nagugutom

    7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao

    8. Makapal ang bulsa - maraming pera

    9. Butas ang bulsa - walang pera

    10. Kusang palo - sariling sipag

    11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit

    12. Kidlat sa bilis - napakbilis

    13. di makabasag pinggan - mahinhin

    14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman

    15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho

    16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan

    17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga

    19. naniningalang-pugad - nanliligaw

    20. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan

    21. makapal ang mukha - di marunong mahiya

    22. maaliwalas ang mukha - masayahin

    23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado

    24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap

    25. panis ang laway -- taong di-palakibo

  8. ewan!!! tinatanga nyo ang mga naghhnap ng sagot!! puro kabastusan at ka walag hiyaan ang cnsagot niu!!

      nkkbwct!!

      ang idyoma at isang salita o grupo ng salita ng mga salitang patalinhaga ang gamit.Ito'y nagbbgay ng di tuwirang kahulugan..

  9. paanokung bawa????? :p

  10. eng po ng halimbawa ng idyomatikong salita 100 po eh...
    pwede po bah.....kailangan lang po eh......
    plsssss......
    tnx......

  11. ano ang idyoma atmga halimbawa nito at kahulugan?

Question Stats

Latest activity: 9 years, 5 month(s) ago.
This question has 11 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions